SHARED SERVICE FACILITY PARA SA BAMBOO PROCESSING PROJECT SA LAOAG CITY, ILOCOS NORTE, OPISYAL NA INILUNSAD

Opisyal na inilunsad ang Shared Service Facility para sa Bamboo Processing Project sa Brgy. Balatong, Laoac City, Ilocos Norte sa pangunguna ng Department of Trade and Industry Ilocos Norte at ng lokal na pamahalaan.
Ang naturang pasilidad ay makatutulong sa grupo ng Balatong Bamboo Weavers’ Association kung saan magagamit nila ang mga ibinahaging kagamitan at makinarya para sa paggawa ng dekalidad na produktong gawa sa kawayan.
Mapatataas rin nito ang produksyon, mapabuti ang kalidad ng mga produkto, kitaan, at mapalawak ang oportunidad bilang isang hanapbuhay ng mga residente.

Isa ang shared service facility na nakikitang Daan sa pagpapa unlad pa sa industriya ng kawayan sa naturang lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments