Deklaradong “DRUG-FREE MUNICIPALITY” ang bayan ng Shariff Aguak sa ikalawang distrito ng Maguindanao.
Ito’y matapos ang isinagawang masusing evaluation at assessment ng Oversight Committee na binubuo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-ARMM, kinatawan mula sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Integrated Provincial Health Office (IPHO), Department of the Interior and Local Government (DILG) at LGU-Shariff Aguak).
Nauna nang idinekla ng Oversight Committee noong 2017 ang 8 mga barangay sa bayan bilang drug-cleared at drug-free barangays.
Matapos ang ikatlo at pinal na pagtatasa ng Oversight Committee, ang nalalabing 4 na mga barangay ay idineklara na ring drug-cleared samantalang drug-free barangay naman ang isa pa.
Ayon kay Mayor Engr. Marop B. Ampatuan, ito ay resulta ng concerted effort ng barangay officials, PNP, AFP, stakeholders, at ng lokal na pamahalaan katuwang si Vice Mayor Datu Akmad Mitra Ampatuan na masigasig sa pagpapalaganap ng kampanya kontra iligal na droga sa ground.
Shariff Aguak, Maguindanao, idineklarang drug free!
Facebook Comments