Shariff Kabunsuan Festival 2017 All set na

All set na ang lahat para sa 2017 shariff kabunsuan festival na mag-uumpisa sa December 14 hanggang sa dec.19 kung saan itoy kinatampukan ng magaganda, masasaya at makukulay na mga aktibidad..
Sa panayam ng RMN Cotabato kay City Tourism Officer Norianne Lou “Girlie “ Frondoza sinabi nito na tampok parin ang mga makulturang palabas at may mga artistang inimbitahan at darating ganun din ang mga opisyal mula sa DOT National para matunghayan nila ang inihandang Theatre Play na The Coming of Shariff Kabunsuan,.
Nariyan din ang street dancing, ASEAN Culinary contest, Halal forum, Kulintang awards, Banggala fashion fair, Colours of Cotabato at maraming iba pa…Sa dec.19 ang main event na magkakaroon ng grand parade mula sa CCSPC patu sa city Wharf para sa Guinakit.Sa hapon gagawin naman ang PAGANA sa Peoples Palace.
Sinigurado naman ni Cot.City mayor Atty.Cynthia Guiani na maging masaya ang 2017 weeklong celebration ng Shariff Kabunsuan Festival.

Facebook Comments