Volunteer Arabic teacher biktima ng pamamaril

Sugatan ang isang volunteer arabic teacher matapos itong mabiktima ng pamamaril kahapong 3:10 ng hapon sa tanghal bridge Manday mother barangay Bagua particular sa loob ng VSR Internet cafe.
Kinilala ang biktima nasi Hasim Abdulmaguid Uyag 20 anyos na residente ng Bagua mother ng lungsod, na isang volunteer Arabic teacher ng isang mosque….
Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP1 ni PCI Reynaldo Delanten abala umano sa pag iinternet ang biktima sa loob ng naturang internet cafe ng biglang pumasok ang gunman at nagtatanong sa kanya kung kilala ba nito ang pinakitang picture subalit sinabi ng biktima na hindi niya kilala ang taong nasa picture at ditto na pinagbabaril ang Arabic teacher. Siyay nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan mula sa calibre 45 pistol na mabilis na isinugod sa emergency hospital ngunit inilipat sa malaking pagamutan…Sa ngayon ay blanco pa ang Kapulisan sa motibo ng krimen at kung sino ang suspect.

Facebook Comments