Sharon Cuneta, aprubado sa desisyon ni KC na manatiling single

Ipinahayag ni Mega Star Sharon Cuneta ang kanyang pag-apruba sa desisyon ng kanyang anak na si KC Concepcion na manatiling single.
Ito ay kaugnay ng pahayag ni KC sa Instagram na hindi niya kailangan ang isang relasyon upang maging maganda.
Sa isang post ni KC sa instagram noong May 22, sinabi niyang “If you’re waiting for your next love, look in the mirror. #TheKCDiaries”. Nag-komento naman ang kanyang dito si Sharon na “Much better. So beautiful.”

If you’re waiting for your next love, look in the mirror. ♥️ #TheKCDiaries

A post shared by Kristina. (@itskcconcepcion) on


Noong May 16 naman ay ipinahayag ni Sharon sa pamamagitan ng isang post sa Instagram na nami-miss na niyang maging ina kay KC. Matatandaang inilarawan rin ng Mega Star ang kanyang anak na masyado na raw itong independent.


Facebook Comments