Proud na ibinahagi sa social media ni Sharon Cuneta ang kaniyang succesful na muling pagpapapayat.
Matatandaang 2017 nang ibunyag ng ilang kaibigan pati ng asawa na si Senator Kiko Pangilinan ang goal ng Megastar.
“Her secret recipe is as follows, 3 cups of discipline, 2 tablespoons of exercise and 1 liter of support from her husband!”
Haha!
— Kiko Pangilinan (@kikopangilinan) March 29, 2017
Sa Instagram, nag-post si Sharon ng 2013 versus 2019 photo niya na may caption na “DREAM. PRAY. BELIEVE. ACHIEVE. Dreams come true.”
View this post on Instagram
2013, 2019 DREAM. PRAY. BELIEVE. ACHIEVE. Dreams come true🙏🏼🙏🏼🙏🏼😘😊🤗❤️💖⭐️
Bago ito, nag-post din siya paunti-unti ng mga picture niya mula sa mga nakaraang taon–kung saan 1984 ang pinakalumang ini-upload ng Megastar, panahon pa ng pinagbidahan niyang ‘Bukas, Luluhod ang mga Tala.’
1984
1993
2000
2002
2017
2018
2019
View this post on Instagram
Last Monday.😊❤️💖🧡#Repost @juansarte with @get_repost ・・・ Sharon #1nmymakeupchair
Maraming bumilib at pumuri sa transformation ng Megastar.
Bumuhos ang pagmamahal at suporta sa kaniyang IG posts.