Shear Line, Amihan, magdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa

Makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang Eastern Visayas, Surigao del Norte, Dinagat Island, Camiguin at Southern Palawan ngayong araw.

Bunsod ito ng shear line o linya kung saan biglaang nagbabago ang direksyon o nagbabanggaan ang hangin na nagdadala ng pag-ulan o thunderstorm.

Ganitong panahon din ang iiral sa nalalabing bahagi ng Kabisayaan, Zamboanga Peninsula, nalalabing bahagi ng Northern Mindanao at Palawan.


Habang Northeast Monsoon o Amihan ang magdadala ng katamtaman hanggang sa may kalakasang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, at Bicol Region.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.

Makararanas din ng isolated rain showers o thunderstorms sa Mindanao dahil sa localized thunderstorm.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:18 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:34 ng gabi.

Facebook Comments