Makakaapekto ang shear line – kung saan nagtatagpo ang mainit at malamig na hangin – sa Extreme Northern ngayong araw.
Ayon sa PAGASA, dahil dito, makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa bahagi ng Batanes at Babuyan Islands.
Easterlies – hangin na nagmumula sa silangan na dumadaan sa Karagatang Pasipiko – naman ang nakakaapekto sa Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon
Habang bahagyang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang asahan ngayon araw sa bahagi ng Bicol Region, at Cagayan Valley.
Samantala, mararanasan din ang kaparehong panahon sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng localized thunderstorms.
Kasabay nito, nagbabala ang PAGASA sa nasabing mga lugar na maaaring magdulot ito ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.