Kinumpirma ng Shell Petroleum N.V. na lumagda ito ng kasunduan sa Malampaya Energy XP Pte Ltd., na subsidiary ng Udenna Corporation, para sa pagbenta ng kanilang 100% shareholding sa Shell Philippines Exploration B.V. o SPEX.
Ang SPEX ay mayroong 45% operating interest sa Service Contract 38 (SC38), kabilang na ang pag-produce ng Malampaya gas field.
Ang base consideration ng bentahan ay $380 million, at karagdagang kabayaran na hanggang $80 million para sa pagitan ng taong 2022 hanggang 2024 contingent sa asset performance at commodity prices.
Target naman na makumpleto ang transaksyon sa katapusan ng 2021, depende sa bilis ng pagplantsa sa kasunduan.
Mula nang umpisahan ang operasyon ng Malampaya noong 2002, ito ay nakapag-supply na ng malaking supply ng enerhiya sa bansa.
Nilinaw naman ng Shell na walang magiging epekto sa kanilang mga negosyo sa bansa ang nasabing kasunduan.