Muling iha-hire ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation ang 200 regular na manggagawa na naapektuhan ng pagsasara ng Tabangao Refinery sa Batangas.
Ayon kay Pilipinas Shell Petroleum Corp. Vice President for External and Government Relations Serge Banal, ginagawa na nila ang kanilang makakaya para matulungan at mare-employ sa kanilang negosyo ang mga staff na nawalan ng trabaho.
Matatandaang sa datos ng Department of Energy (DOE), tinanggihan ng naturang industriya ang demand na 20 hanggang 30% para sa produktong petrolyo sa buwan ng Marso habang 60 hanggang 70% naman sa buwan ng Abril sa gitna ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Samantala, siniguro rin ni Banal na kahit na nagsara ang Tabangao Refinery, na isa sa dalawang industriya ng langis sa bansa ay walang maaabala sa suplay ng produktong petrolyo.