Shifting sa klase, isinusulong ng isang kongresista

Kasunod ng pag-aaral ng Department of Education (DepEd) na iurong sa Agosto ang pasok ng mga estudyante bunsod ng COVID-19, inirekomenda ngayon ni ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo na gawing shifting din ang klase sa susunod na school year.

Sa rekomendasyon ni Tulfo, iminungkahi nitong gawing Lunes hanggang Miyerkules ang pasok ng mga Kindergarten to Grade 3, Grades 7, 8 at 11 at 1st year at 2nd year college.

Habang ang mga Grade 4 to Grade 6, Grades 9, 10, at 12 at 3rd year, 4th year, at 5th year sa college ay Huwebes hanggang Sabado naman ang magiging pasok.


Layon, aniya, nito na maiwasan ang sabay-sabay na pagpasok ng mga mag-aaral at mabawasan din ang volume ng mga lalabas sa tahanan upang makasunod pa rin sa mga pag-iingat na ipinapatupad laban sa virus.

Ipagbabawal naman ang mga school activities tulad ng ROTC at NSTP.

Ang araw naman ng Linggo ay magsisilbing rest day at araw ng disinfection sa mga paaralan.

Pinatitiyak din ng lady solon ang comprehensive health check sa lahat ng guro, non-teaching staff, estudyante, magulang at mga guardians.

Upang kahit papaano ay magtuluy-tuloy ang pagaaral kahit nasa mga bahay ang ilang estudyante ay inirekomenda nito ang paggamit ng alternative learning methods tulad ng online, TV, radio at open high platforms.

Facebook Comments