Shoe industry sa Marikina City, palalakasin

Nagpahayag ang grupong President Isko Moreno at Oksi Isko Volunteers Movement ng kanilang pagsuporta upang buhayin muli ang industriya ng sapatos sa Marikina City.

Ang pahayag ay ginawa ng grupo makaraang pulungin nina Vice Presidential Candidate Dr. Willie Ong kasama sina senatorial bets Marawi civic leader Samira Gutoc, legal expert Jopet Sison, at entrepreneur Carl Balita.

Sinimulan ang naturang aktibidad kaninang alas-9:00 ng umaga sa Kapitan Moy Restaurant sa J.P. Rizal St., Markina kung saan sinundan ng tahimik na pagmamartsa patungo sa Shoe Art Installation.


Ikinatuwa naman ng mga gumagawa ng sapatos ang naging hakbang ng mga kilalang personalidad na tumulong sa kanilang mga negosyo upang muling sumigla ang pagsasapatos sa Marikina City.

Daan-daang sapatos ang hinubad at inilagay sa harapan ng Kapitan Moy bilang simbolo ng kanilang buong pagsuporta upang buhayin at maging masigla ang kalakaran ng sapatos sa lungsod.

Facebook Comments