Maaari nang makapag-enroll ng Shoe Technology Course at iba pang Technical Courses sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina.
Ito’y pagkatapos lagdaan ng Local Government Unit ng Marikina City at TESDA ang isang kasunduan.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, ang iba pang courses na alok ng Pamantasan ay ang Caregiving at Bread and Pastry.
Ayon pa sa alkalde ang pagsama ng ibang kurso ay lalong magpapalakas pa sa industriya ng sapatos sa Marikina at pag-unlad ng mga kasanayan ng mga residente sa Lungsod.
Nakasaad din sa MOA na magbibigay ng training ang TESDA sa lahat ng Kawani ng Marikina City Hall.
Aasistihan din ng TESDA ang City Government para sa Accreditation ng City Engineering Unit para maging Assessment Center at Training Service Provider para sa inaalok na kurso na may kaugnayan sa Engineering at Automotive.
Kasabay ng MOA Signing, inilunsad din ang National TVET Trainers Academy Catering Services na alok ng TESDA Marikina.