“Shoot and Kill,” utos ni Pangulong Duterte sa militar laban sa mga rebeldeng komunista

Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tropa ng pamahalaan na barilin at paslangin ang mga rebeldeng komunistang may hawak na armas at ibalik ang kanilang mga labi sa kanilang mga pamilya.

Sa kanyang talumpati sa Cagayan de Oro City, sinabi ng Pangulo na handa siyang magpakulong hinggil sa bago niyang direktiba sa militar.

Iginiit ni Pangulong Duterte na marami nang atraso ang mga komunista sa bansa.


Nakikipaglaban na lamang aniya ang mga rebelde sa wala at tinawag niya ang mga ito na “bandits” na walang anumang ideyolohiya.

“You’re just trying to hold on to this war. In one of the encounters, maybe you will get shot and die for nothing,” ani Pangulong Duterte.

Bukod sa mga sundalo at pulis, sinabi ni Pangulong Duterte na handa niyang ipagamit ang mga tangke para tapusin sila.

Pinayuhan din ng Pangulo ang mga rebeldeng komunista na huwag makipagbakbakan sa mga laban na hindi sila magwawagi.

“You don’t oppress your fellowmen, you don’t wage a war that you will never win. You are all bandits. You have no ideology. All communist countries, China and Russia, they are capitalists now,” sabi ni Pangulong Duterte.

Sa kabila nito, hinihikayat ni Pangulong Duterte ang mga rebelde na sumuko at nangakong bibigyan sila ng kabuhayan at tirahan.

Facebook Comments