SHOOTING INCIDENT | Babaeng namaril sa YouTube headquarters, nakilala na

California – Kilala na ang babaeng namamaril sa YouTube headquarters sa Northern California na kung saan tatlo katao ang sugatan.

Kinilala ng San Bruno Police Department ang suspek na si Nasim Najafi Aghdam na taga San Diego, California.

Sa isang pahayag sinabi ng mga otorida na matapos paputukan nj Aghdam ang tatlong biktima saka ito nagbaril sa sarili.


Hindi pa matiyak ng San Bruno PD ang motibo ng suspek sa pamamaril pero kilala umano nito ang isa sa tatlong biktima.

Nananatiling nasa kritikal na kondisyon ang isa sa tatlong biktima na hanggang ngayon ay hindi pa pinapangalanan.

Facebook Comments