Pagdaragdag ng PDEA Member, Iminungkahi sa RPOC!

Ilagan City, Isabela – Iminungkahi ng konseho ng City of Ilagan ang pagdaragdag ng miyembro ng PDEA sa isinagawang Regional Peace and Order Council Meeting kahapon, Marso a tres taong kasalukuyan sa Isabela Provincial Capitol Compound.

Ito ay pinangunahan nina PNP Regional Director Jose Mario M. Espino, DILG Regional Director Jonathan Leusen at 5th ID Commanding General Perfecto M. Rimando Jr.

Batay sa naging panayam ng RMN Cauayan News kay PDEA Regional Director Laurefel Cabales, Tuloy- tuloy umano sa pagkilos ang PDEA sa isinasagawang kampanya kontra droga at inaasahan din umano ng kanilang tanggapan na makapagtala sila ng mga miyembro ng PDEA ng isang libong katao kada taon bilang tugon sa inirekomenda sa konseho.


Aniya, nalulungkot umano siya dahil sa pagkaka dismiss ng ilang kaso ng mga nahuhuli dahil umano sa mga Technicalities at kakulangan sa ebidensya kaya’t kanilang pina-iigting at pinagsusumikapan ang pagresolba kontra droga.

Facebook Comments