SHOOTING INCIDENT | DFA, kasalukuyang mino-monitor ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Texas

Texas – Inaalam na ng Department of Foreign Affairs sa pamamagitan ng ating Philippine Consulate General sa los Angeles California ang sitwasyon ng ating mga kababayan

Ito ay makaraan ang panibagong shooting rampage sa Texas kung saan isang 17 yrs old na estudyante ang walang habas na namaril sa texas high school

Nagresulta ito sa pagkasawi ng 9 na estudyante at 1 guro at hindi rin bababa sa 10 ang naitalang sugatan


Sa ngayon tuloy ang pakikipag ugnayan ng ating embahada sa Filipino Community sa Texas upang malaman kung may nadamay ba na Pinoy sa nasabing mass shooting incident

Tinatayang nasa 1,994 ang myembro ng Filipino Community sa Galveston County kung saan andoon ang Santa Fe.

Facebook Comments