Florida – Patuloy na inaalam ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kalagayan ng mga Filipino sa Jacksonville Landing, Florida.
Ito ay matapos ang nangyaring panibagong mass shooting incident kahapon kung saan 3 ang naitalang namatay habang hindi naman bababa sa 11 ang sugatan.
Ayon kay Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez sa inisyal na impormasyon walang Pinoy casualty sa nasabing insidente
Pero magkagayunman inaalam parin nila ang sitwasyon ng nasa 13,700 members ng Filipino community sa Florida na nakasasakop sa Jacksonville.
Kasunod nito nagpaabot na ng pakikiramay ang DFA sa mga naulilang pamilya ng insidente.
Base sa mga report, bigla na lamang nagpaputok ang suspek na si David Katz 24y/old kung saan ginaganap ang football video game competition bago nito winakasan ang sariling buhay.
Sa ngayon inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng pamamaril ng suspek.