SHOOTING INCIDENT | DFA, patuloy na mino-monitor ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Indiana

Mino-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang isang shooting incident sa isang eskwelahan sa Indianapolis upang alamin kung mayroon myembro ng Filipino community ang kabilang sa dalawang taong napaulat na nasugatan sa insidente.

Sinabi Elmer Cato, Acting Assistant Secretary for Public Diplomacy ng Department of Foreign Affairs, ang Philippine Consulate General sa Chicago na may hurisdiksiyon sa Indiana, ay nagsisikap na makipag-ugnayan sa mga awtoridad at sa mga lider ng Filipino Community, kasunod ng insidente sa Noblesville West Middle School sa Hamilton County north o hilaga ng Indianapolis.

Sinabi ng Consul General, ang lone suspect ay na sa kustodiya na, kasunod ng pamamaaril Biyernes ng umaga.


Ayon kay Catu, mayroong humigit-kumulang na 17,000 miyembro ng Filipino Community sa Indiana.

Facebook Comments