Isabela, Philippines – Pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang barangay kagawad ng Barangay Samonte, Quezon Isabela alas otso ng umaga kahapon.
Nakilala ang biktima na si Barangay Kagawad Allan Layson nasa tamang edad, may asawa at residente ng nasabing barangay.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, nakatalagang officer of the day ang biktima sa kanilang barangay.
Biglang dumating ang hindi pa nakikilalang lalaki na pinaghihinalaang nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga ito, nang biglang barilin ng suspek ang nabanggit na barangay kagawad na siyang dahilan ng kaniyang agarang kamatayan.
Nagtamo ng anim na tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang biktima sa ibat ibang parte ng kaniyang katawan.
Napag-alaman din na ang biktima ay sumuko sa oplan tokhang ng PNP.
Inaalam pa rin kung ano ang motibo sa nasabing krimen.
Samantala, kasalukuyan pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga otoridad sa bayan ng Mallig, Isabela may kaugnayan sa pamamaril sa isang retiradong pulis kagabi sa Barangay Casili nasabing bayan.
Alas sais kwarenta ng gabi ng pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sakay ng isang motorsiklo ang biktima na si retired SPO4 Arthuro Banal, singkuwentay sais anyos at residente ng nabanggit na lugar.
Pauwi ang biktima galing ng poblacion nang pagbabarilin ng suspek.
Agad na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril, naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara na itong dead on arrival.
DZXL558