SHOOTING INCIDENT | Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alexander Lupigan, patay sa pananambang

Cavite – Patay sa pananambang si Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alexander Lupigan.

Sa report, kaninang alas-3:15 ng hapon ay nakatanggap ng report ng PNP-Calabarzon kung saan isang shooting incident ang nangyari sa Trece-Indang Road, Barangay Luciano sa tapat ng isang Korean hospital.

Sakay si Lupigan ng kaniyang itim na Toyota Hilux na may conduction sticker na YV 4077 nang bigla itong paputukan ng gunman na sakay naman ng isang itim na Montero.


Facebook Comments