Shooting skills ng mga pulis, mas hahasain!

Iniutos ni PNP Chief Police General Camilo Cascolan sa Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD) na baguhin ang mga nakapaloob sa training program para sa markmanship ng mga pulis.

Ayon kay PNP Chief, nais niyang ma-improve ang shooting skills ng 220,000 na mga police personnel.

Sa ngayon, ayon kay DHRDD Director Police Major General Clifton Empiso sinimulan na ng PNP training service ang orientation para sa Modified Handgun Qualification Marksmanship program.


Inaasahan naman sa mga susunod na araw na ilalabas ng DHRDD ang final measure at directives ng training program na nakabatay sa New Normal System.

Ang training program na ito ay kabilang sa 9-point PNP Sustainable Development Plan sa ilalim strategic roadmap, PNP P.A.T.R.O.L. Plan 2030, kung saan target ng PNP na maging efficient at mapa- angat ang performance ng mga kapulisan.

Facebook Comments