Manila, Philippines – May ilalabas na mapa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay ng paghahanda nila sa papalapit na holiday season.
Tatawagin itong “shopper’s lane”.
Sa exclusive interview ng RMN-DZXL kay MMDA Spokesperson Celine Pialago – aniya, magsisisilbing guide ng mga shopper ang mapa para mapuntahan ang mga mall nang hindi kinakailangang dumaan sa kahabaan ng EDSA.
Ngayong linggo na target na maipamigay ang shopper’s lane sa lahat ng mga mall sa Metro Manila.
Kabilang pa sa mga ipatutupad na traffic schemes ng MMDA ang moratorium sa mga road repairs pero exempted dito ang mga proyekto ng gobyerno.
Gayundin ang weekend-payday sales ng mga mall, pag-a-adjust sa kanilang operating hours at moratorium sa daytime deliver ban maliban sa ‘perishable goods’.