Taas presyo sa produktong petrolyo ngayong linggo, nagbabadya!

Manila, Philippines – Abiso para sa mga motorista!

Magtataas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Maglalaro sa P0.35 hanggang P0.45 ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.


Dahil dito mahigit tatlong piso na ang itinaas ng presyo ng kada litro ng gasolina sa loob ng halos dalawang buwan.

Magtataas din ng P0.25 hanggang P0.35 sa kada litro ng diesel habang P0.40 hanggang P0.50 naman sa kerosene.

Nito lamang nakaraang araw, nagpatupad din ng P30 na dagdag-presyo sa kada tangke ng lpg ang eastern petroleum.

Facebook Comments