Shopping Center sa Ilocos Norte, nasunog

189

iFM Laoag– Nasunog ang isang M.E. Shopping Center sa Laoag City, Ilocos Norte.

Nagsimula ang apoy mula pa kaninang alas siete ng umaga at hanggang ngayon [alas kwatro ng hapon] patuloy parin ang pagbuhos ng tubig ng mga kasapi ng Bureau of Fire Protection.


Nagsimula umano ang apoy sa ika tatlong palapag ng nasabing building ayun kay Fire Marshall Roxanne Parado.
Nagtutulongan ang iba’t-ibang fire stations sa Ilocos Norte upang mapuksa ang apoy sa loob ng nasabing gusali. May firetruck pa mula sa probinsya ng Ilocos Sur ang rumesponde.

Nakaantabay naman ang City Government sa nasabing insidente at handang tumulong sa mga naapektohan lalong-lalo na ang may-ari na si Mr. Akim Lai at ang mga trabahante nito.

Hindi pa matukoy ng BFP ang dahilan ng nasabing sunog. ###Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments