Shopping store na Landers, nangungunang hiring employer sa Pateros Mega Job Fair

43

Marketing personnel, sales personnel, brand ambassadors at financial consultant. Ilan lamang iyan sa mahigit dalawang libong trabaho na maaaring aplayan dito sa Pateros Mega Job Fair na isinasagawa sa Session Hall ng Sangguniang Bayan.

Maganda ang takbo ng job kahit dito na bago pa man mag-ika-sampu ng umaga dahil isa agad ang na-hire on the spot.


Si Patricia Delangencia ay na-hire ng Stellar 167 Manpower na recruitment agent ng Landers, isang bagong sumisibol na shopping store sa bansa.

Ito rin ang pangunahing employer dito ngayong araw dahil hindi pa man pormal na nagsisimula ang job fair, tatlo agad ang kanyang na hire on the spot.

Samantala, bilang pagtupad sa kanyang tungkulin na Pateros Municipal PESO Manager at Vice Mayor Elect Gerald German tiniyak nito sa Radyo Trabaho na magkakaroon ng magandang bukas ang tanggapan kung saan ay magboluntaryo siyang mamuno.

Ani vice mayor, sa ilalim ng kanyang pamumuno, magkakaroon ng kasarinlan ang Pateros Municipal PESO dahil nagpasa na ito ng isang ordinansa na mag-i-institutionalize dito.

Haggang alas kuwatro ang job fair na ito ngayon dito sa Pateros Municipal Councilors’ Session Hall at marami mga trabaho ang maaaring kaya, sa mga wala pang trabaho, tara na at kunin ang trabahong magpapaangat ng buhay mo.

Facebook Comments

From Advertisers