Delivery Boy, Patay sa Pamamaril ng Riding-in-Tandem!

1227

*Cauayan City, Isabela-* Patay ang isang delivery boy ng LBC matapos itong pagbabarilin bandang alas 9:00 kaninang umaga sa kahabaan ng Canciller Ave nue District 1, Cauayan City, Isabela.

Aktwal na pamamaril ng riding in tandem sa isang delivery boy ng LBC


Kinilala ang biktima na si Alvin Opulentia, 26 anyos at residente ng Brgy. Nappacu Grande, Reina Mercedes, Isabela.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Cauayan City, habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Canciller Avenue lulan ng kanyang delivery motorcycle nang bigla itong pagbabarilin ng riding in tandem criminals.

Nang bumagsak ang biktima matapos sumemplang ay nilapitan pa ng mga suspek at binaril sa ulo gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa imbestigasyon at hot pursuit operation ng mga otoridad sa pagkakakilanlan at pagkahuli ng mga suspek.

Facebook Comments

From Advertisers