SHORT CIRCUIT | LRT-1, balik-operasyon na matapos magkaaberya

Balik operasyon na ang LRT line 1 kaninang alas dose ng hapon makaraang magkaroon ng aberya kaninang umaga.

Pasado alas 6:00 kaninang umaga ng pansamantalang ihinto ang operasyon ng LRT 1 dahil sa problema sa power supply ng isa sa kanilang train.

Ayon sa Light Rail Manila Corporation, nagkaroon ng short circuit ang electrical cable na kumokonekta sa train sa Libertad Station.


Wala naman naitalang nasugatan sa insidente dahil agad na pinababa ang mga pasahero ng train.

Facebook Comments