Manila, Philippines – Sa susunod na linggo pa maisusumite kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ang shortlist para sa papalit kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Eduardo Año.
Ayon kay Lorenzana sa Interview ng Malacañang Press Corps sa San Miguel Bulacan, isang beses palang nakapagpulong ang board of generals na siyang pumipili ng ilalagay sa shortlist na pinamumunuan naman ni General Año.
Tatlong pangalan aniya ang inaasahang niyang maisusumite sa kanya ng board of generals at agad niyang isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte sa sandaling matanggap niya ang rekomendasyon o short list para agad na makapili ang pangulo kung sino ang hihiranging susunod na AFP Chief of Staff bago pa man ang retirement ni Ano sa October 26.
Nabatid na may apat na pangalan ngayon ang lumulutang at ito ay sina AFP WESMINCOM Chief, Lt. Gen. Carlito Galvez na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1985, AFP Eastern Mindanao Command Chief Lt. Gen. Leonardo Rey Guerrero, PMA Class 1984 na nakabase sa Davao City, Lt. Gen. Melchor Mison Jr., PMA Class 84 at si Deputy Chief of Staff Vice Admiral Narciso Vingson Jr., PMA Class 85.
Pero, tumanggi si Lorenzana at Año na kumpirmahin ito.
Short list ng susunod na AFP Chief of Staff, hindi pa natatanggap ni P-Duterte
Facebook Comments