Iligan City – Nangamba ngayon ang National Food Authority o NFA iligan sa posibleng pagtaas ng presyo ng commercial rice sa mga merkado sa lungsod.
Ito ay matapos ubos na rin ang supply ng NFA rice sa lungsod ng Iligan sa mga panahong ito.
Ayon kay NFA Officer in Charge Sambitory Dimaporo na posibleng wala na ring display o ibinibentang NFA rice sa mga merkado kung naubos na ang kanilang kinuhang supply noong makaraang buwan.
Sinabi ni Dimaporo may malaking posiblidad talagang tataas ang presyo ng mga commercial rice kung wala nang ibinibentang NFA rice sa mga merkado.
Ito ay dahil hindi nila kontrolado ang mga negosyante ng bigas hinggil sa kanilang ipinapataw na presyo sa kanilang ibinibentang bigas.
Buti nalang ay may dumating na mahigit 2 thousand na sakong NFA rice at ito ay para lang sa DSWD at sa BJMP sa lungsod ng Iligan.