Shortage ng ilang raw materials, ramdam na sa food industry

Ramdam na sa food industry ang kakulangan sa suplay ng ilang raw material na ginagamit sa pagluluto ng pagkain.

Kabilang dito ang chipping potatoes na ginagamit sa French fries, at harina na pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay, pastries, pasta, at noodles.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Usec. Kristine Evangelista, global concern na ang kakulangan sa chipping potatoes dahil inaangkat lamang ito sa ibang bansa tulad ng Canada at Estados Unidos, at hindi itinatanim ng ating mga magsasaka.


Samantala, iminungkahi naman ng DA na gumamit muna ng white potatoes, camote, at taro chips bilang alternatibong produkto sa chipping potatoes.

Facebook Comments