Shortage sa supply ng itlog sa 2022, pinangangambahan

Nangangamba ang ilang grupo na posibleng magkaroon ng shortage sa supply ng itlog sa susunod na buwan o Enero ng 2022.

Ayon kay Egg Council of the Philippines Chairman Nicanor Briones, bagama’t sobra-sobra ang supply ng itlog sa bansa ngayon ay nalulugi na sila dala ng halos dobleng pagtaas ng presyo ng feed inputs na pinapakain sa mga manok.

Sa katunayan aniya ay pinipili ng ilang egg producers na magbawas na lamang ng alaga kaysa ipasa sa konsumer ang dagdag sa production cost.


Tingin naman ni Bureau of Animal Industry Director Reildrin Morales na posibleng sa ilang traders nag-uumpisa ang paggalaw ng presyo ng itlog.

Facebook Comments