Shortcut sa Manila North Cemetery na ginagawang negosyo ng iilan, isasara ng Manila LGU

Target ng Manila North Cemetery (MNC) na magtayo ng mas maraming libingan sa likod na bahagi upang maisara ang isang pathway na ginagamit ng mga bisita sa Undas bilang shortcut para sa pagbisita.

Ayon kay MNC Director Roselle Castañeda, pinag-aaralan na ng city engineer ang paglalagay ng harang sa naturang daan.

Magpapakalat din ng mga tauhan ng pulisya sa lugar upang maiwasan ang mga bisita na gamitin ang makipot na daanan para sa pagpasok at paglabas.


Ang nasabing shortcut naman ay pinagkakakitaan ng ilang indibidwal doon kung saan naniningil ang mga ito sa mga daraan.

Sa mga normal na araw, ang bayad sa paggamit ng shortcut ay P1 ngunit nagbabago ang mga rate sa panahon ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Facebook Comments