361 barangay, isinailalim sa red category kasunod ng nalalapit na BSKE

Umabot na sa 361 mga lugar ang nasa isinailalim ngayon ng red category bilang bahagi ng seguridad para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Philippine National Police Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, matatagpuan ang 70 porsyento ng mga lugar sa red category sa Bangsamoro Autonomous Region.

Habang 1,252 lugar ang inilagay sa orange category, 1,210 barangay ang nasa yellow category at 39,178 naman ang sakop ng green category.


Ang mga lugar na nasa red category ang may history ng election-related incidents, intense political rivalry at presensya ng organized crime at partisan armed groups.

Facebook Comments