Manila, Philippines – Game na game daw ang TV host/aktres na si Anne Curtis na sumabak bilang kontrabida sa gagawing Darna movie na pagbibidahan ni Liza Soberano.
Say ni Anne, kung sakaling kunin, nais daw niyang gampanan ang role na Valentina o kaya ay isa sa mga space woman na mortal na kalaban ni Darna.
Nag-e-enjoy daw kasi si Anne sa mga kontrabida role dahil hindi daw makukumpleto ang pelikula kung wala ang mga katulad nito na nagbibigay buhay sa istorya.
Samantala, talk of the town ngayon ang naging message ni Maine Mendoza sa kaniyang twitter account.
Nakiusap kasi si Maine sa netizens, itigil ang pamba-bash kung saan hindi na raw kailangang batikusin ang mga taong hindi gusto.
Hindi naman tinukoy ni Maine kung para saan ang kanyang tweet, pero hinala ng iba na nag-ugat ito ng makita siya ang kaibigang kapuso star na si Juancho Trivino at ilan pang non-showbiz friends sa concert ng American indie pop band na Lany, sa Araneta Coliseum.
Nabatid na nagkaroon ng argumento sa pagitan ng ilang netizens, kung magkasama bang nanood ng concert sina Maine at Juancho na na-bash din nitong mga nakaraang araw matapos ang isyu ng pag-dirty finger sa picture ni Alden Richards.