SHOWBIZ BALITA | Rachelle Ann Go, abot langit ang saya matapos ikasal sa American national nitong lover; Direk Eric Quizon, thankful sa mga blessings na dumating sa kaniyang buhay

Manila, Philippines – Thankful at very happy ngayon ang singer na si Rachelle Ann Go matapos ang kanilang kasal ng American national na si Martin Spies.

Ginanap ang kanilang wedding vow sa isang hotel sa boracay kung saan ilan sa mga dumalo dito ay ang kanilang mga kaibigan at kapwa singer na sina Kyla, Mark Bautista, Erik Santos at Sarah Geronimo.

Bumuhos naman ang mga pagbati sa bagong mag-asawa sa kanilang social media mula sa ilang mga celebrity sa showbiz.


Samantala, sunod-sunod na blessings naman daw ang natatanggap ng aktor/direktor na si Eric Quizon dahil nakakagawa siya ng mga proyekto sa dalawang pinakamalaking TV netowrks sa bansa.

Ayon kay Direk Eric, matapos ang kaniyang drama series sa kapamilya network nagsisimula naman siya ngayon ng bagong proyekto sa kapuso.

Bagamat walang pahinga, masaya naman daw siya dahil sa hindi nawawalan ng trabaho at walang restriction sa kaniya kung sana man network mapunta.

Facebook Comments