Maguindanao Jail may bagong Warden- Medcap isinagawa

Muling nagsagawa ng Medical Mission ang Peoples Medical Team ng Maguindanao Government sa mga inmates ng Provicial Jail.

Kabilang sa mga nakabiyaya sa medical services na inihandog ng Peoples Medical Team ang 334 na mga bilanggo, 269 sa libreng consultation habang 65 ang nakavail ng libreng tooth extraction.

Nakatanggap rin ng libreng gamot at foodpacks ang mga inmates sa impormasyong ipinarating sa DXMY ni Lynette Estandarte, Head ng PMT. Layun ng aktibidad ay upang ipadama pa rin sa mga inmates ang pagpapahalaga ng gobyerno sa mga ito base na rin sa direktiba ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu.


Samantala, itinalagang bagong Provincial Jail Warden si Engr. Abdulwahab Tunga na sya ring bagong Provincial Engineer ng Maguindanao.

PMT Pics




Facebook Comments