SHOWBIZ BALITA | Ryza Cenon at Sunshine Cruz, kani-kaniyang lipatan ng TV network

357

Manila, Philippines – Lumipat na sa kapamilya network ang aktres na si Ryza Cenon matapos ang labing apat na taon na pananatili nito sa kapuso network.

Kahapon, pumirma na ng two-year contract si Ryza kung saan happy naman siya ay ibang kaibigang artista sa ginawa niyang pag-ober-da-bakod.

Unang inamin ng kontrabida actress na plano niya talagang mag-stay sana sa siyete kung bibigyan pa ito ng project matapos ang stint nito sa serye ng ika-anim na utos pero mukhang wala ng plano ang Kapuso Network sa kaniya.

Samantala, dismayado ang ilang netizen kay Sunshine Cruz dahil sa pagtanggap nito ng trabaho sa Kapuso.

Katatapos lamang daw kasi ng ginawa nitong teleserye sa dos kung saan nakasama ang aktres sa cast kaya at sana daw ay naghinay-hinay muna siya sa kaniyang desisiyon.

Pero say ni Sunshine, sana ay maintindihan ng mga tao kung bakit kailangan niyang magtrabaho sa ibang network lalo na at may tatlong mga anak siyang binubuhay at itinuturing niya itong blessing para sa kanya.

Facebook Comments