SHOWBIZ | Ilang Pinoy celebrities, kanya-kanyang reaksyon sa engagement nina Justin Bieber at Hailey Baldwin

Kanya-kanyang reaksyon maging ang ilang Pinoy celebrity hnggil sa engagement ning Justin Bieber at Hailey Baldwin.

Isang post ng kapwa “Belieber” ang ibinahagi ni Maine Mendoza kung saan mababasa ang lyrics ng kanta ni Justin na “That Should Be Me”.

Say ni Maine, taong 2009 nang sabihin niyang siya ang magiging asawa ng Canadian singer.


Ganito rin ang feeling ng dating child star na si Eunice Lagusad nang malamang engaged na ang kanyang idol.

“Happy and Sad” at dagdag niya, makakamove-on din daw siya.

Nagpaabot naman ng pagbati kina Justin at Hailey ang actress-host na si Anne Curtis.

Hanga raw siya naging anunsyo ni Justin kung saan siya gumamit ng bible verse na “he who finds a wife finds a good thing and obtains favor from the Lord!”

Facebook Comments