VIRAL | Pusa – nag-istorbo sa amo habang ini-interview sa isang Dutch news show

“The Show Must Go On!”

Manila, Philippines – Hindi nga nagpatinag ang isang polish historian nang biglang umakyat sa kanyang balikat ang alaga niyang pusa sa kasagsagan ng interview niya para sa isang dutch news show.

Sa viral video na ibinahagi ng reporter na si Rudy Bouma sa Twitter, makikita na tuloy-tuloy sa kanyang pagsasalita ang historian na si Jerzy Targalski kahit may pusa sa balikat niya.


Tila nagpapansin pa ang pusa sa kanyang amo sa pamamagitan ng pagkuskos nito sa mukha ni Jerzy.

Pero siyempre, hindi na raw nila ito isinama sa final cut ng kanilang interview kung saan tinatalakay si Jerzy ang tungkol sa pag-alis ng Polish Supreme Court Justice.

Facebook Comments