SHOWBIZ | Kim Chiu, aminadong hindi pa ready magpakasal kay Xian Lim

Manila, Philippines – Aminado ang aktres na si Kim Chiu na hindi pa siya ready magpakasal sa boyfriend na si Xian Lim.

Say ni Kim, may mga priorities pa silang dapat gawin ni Xian at marami pa daw silang gustong mangyari sa kani-kanilang buhay lalo na at nasa 28-anyos pa lamang daw siya.

Dagdag pa ng aktres na nakikita niyang perfect na pagkakataon para pag-usapan ang pagpapakasal ay kapag nasa edad 30-anyos na daw siya.


Dinepensahan din ni Kim si Xian sa mga bashers nito kung saan sinabi nito na nami-misunderstood lang daw minsan ang kaniyang boyfriend pero kung makikilala lang daw nila ito ng lubusan ay malalaman nila kung gaano ito kabait sa ibang tao.

Facebook Comments