SHOWBIZ | Lotlot De Leon, ikinasal na muli; Vilma Santos, naiinip na daw makasal si Luis Manzano

291

Ikinasal na ang aktres na si Lotlot De Leon sa Lebanese partner nito na si Fadi El Soury.

Naganap ang kasalan sa Batangas kung saan nagsilbing witness ang mga anak ng aktres na sina Janine, Diego, Max at Jessica kasama ang kapatid ni Lotlot na sina Matet De Leon.

Present din sina Binibining Pilipinas International 2017 Mariel De Leon at ang ama ng aktres na si Christopher De Leon.

Ito na ang pangalawang beses na ikinasal si Lotlot dahil una nitong nakaisang dibdib si Ramon Christopher na anak nila Eddie Guttierez at Pilita Corrales.

Samantala, naiinip na daw ang Star for All Season na si Vilma Santos na makasal ang anak na si Luis Manzano sa girlfriend nitong si Jessy Mendiola.

Say ni Vilma, hindi na daw dapat patagalin pa nina Luis at Jessy na makasal sila dahil kung sila na daw talaga hanggang sa future ay wala nang makakapigil pa.

Facebook Comments