SHOWBIZ | Mega Star may promise sa Pangulo; Sarah Lahbati, nanganak na sa pangalawang baby nito

Manila, Philippines – May pangako si Megastar Sharon Cuneta kay Pangulong
Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos niyang paunlakan ang dinner invitation ng Pangulo sa
Malacañang palace kagabi.

Say ni Ate Shawie, kakantahan niya sa hinaharap si Pangulong Duterte ng
favorite song niya ni Freddie Aguilar na “Anak”.


Nagpasalamat naman ang Pangulo at nabanggit na avid fan ng actress ang anak
niyang si Davao City Mayor Sara Duterte.

Samantala, nanganak na si Sarah Lahbati para sa ikalawa nilang anak ni
Richard Gutierrez.

Inanunsyo ito ng dalawa sa kani-kanilang Instagram Account kung saan
makikita ang larawan nila buhat si Baby Kai.

Facebook Comments