SHOWBIZ | Nikki Valdez, ikinasal sa Hong Kong; Maine Mendoza, ibinahagi ang fangirl moment

Happy and contented ngayon ang aktres na si Nikki Valdez matapos ang pagpapakasal nito sa nobyong si Luis Garcia.

Isinagawa ang civil wedding ng dalawa sa Hong Kong kung saan dumalo dito ang mga malapit nilang kaanak at mga kaibigan.

Kabilang din sa entourage ang 10-anyos na anak na babae ng actress sa dating asawang Filipino-Canadian Christopher Lina na si Olivia.


Samantala, masayang ibinahagi ni Maine Mendoza ang fangirl moment niya sa aktres na si Anne Curtis.

Ipinost pa ni Maine sa instagram ang picture kung saan kasama niya si Anne matapos ang concert nito noong Sabado sa The Big Dome.

Say pa ni Maine, isa daw ang aktres sa mga hinahangaan at iniidolo niya sa showbiz kung saan napahanga siya lalo nito sa mga naging pasabog niya tulad ng mga live performances sa nasabing concert.

Facebook Comments