PBA | NLEX Road Warriors, wagi kontra Northport Batang Pier; TNT Ka-Tropa, panalo kontra Meralco Bolts

Antipolo City – Nasungkit ng NLEX Road Warriors ang kanilang ikalawang sunod na panalo kontra Northport Batang Pier na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

Tinalo ng NLEX ang Batang Pier sa score na 123-107 kung saan nanguna sa panalo ang kanilang import na si Olu Ashaolu na may 27- points at 13-rebounds.

Samantala, nakuha ng TNT KaTropa ang kanilang unang panalo laban sa Meralco.


Nanalo ang TNT sa score na 92-90 kahit pa wala ang kanilang import na si Mike Glover na kanilang pinauwi.

Naging best player sa laro si Terrence Romeo na nakapagtala ng 23-points, 8-rebounds at 10-assists.

Facebook Comments