Showcause order na inisyu kay Manila Mayor Isko Moreno, binawi ng DILG

111

Binawi na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang showcause order na inisyu kay Manila Mayor Isko Moreno.

Ito ay dahil sa umano’y kabiguan ng lokal na pamahalaan na maabot ang pamantayan ng gobyerno sa Anti-Drug Abuse Council noong 2018, isang taon bago pa siya mahalal na alkalde.


Sa inilabas na pahayag ng DILG, sinabi ni DILG Usec. Ricojudge Echiverri na hindi sinasadya ang pag-iisyu ng showcause order.

Si Moreno at unang nanungkulan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong 2018 at naihalal na alkalde ng Maynila noong 2019.

Facebook Comments