SHUTDOWN | NGCP, nag-isyu muli ng yellow alert sa Luzon grid kahapon

Manila, Philippines – Nag-isyu kahapon ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng yellow alert sa Luzon Power Grid sa loob ng dalawang oras.

Ito na ang ikawalang beses na nag-isyu ang NGCP ng yellow alert ngayong linggo.

Paliwanag ng NGCP, resulta ito ng manipis na reserba ng kuryente at hindi inaasahang shutdown ng ilang planta habang mataas ang demand.


Sa huling datos, ang available capacity ay nasa 11,764 megawatts habang ang demand ay nasa 10,891 megawatts.

Facebook Comments