SIBAK DAHIL SA CELLPHONE │Pulis na umano’y nagnakaw ng cellphone sa crime scene, iniimbestigahan

Manila, Philippines – Nasa floating status na ngayon ang isang Police Officer matapos na madiskubreng ninakaw ang isang mamahaling cellphone na narekober isang krimen na nangyari sa lalawigan ng Cavite.

Ayon kay PNP Crime Laboratory Director Chief Supt. Aurellio Trampe epektibo mula ngayong araw ay mananatili muna sa Crime Laboratory Headquarters si PO2 Roman Arcillas.

Aniya standard operating procedure o SOP ang pagkakasibak muna sa pwesto kay Arcillas habang inimbestigahan ang kaso.


Si Arcillas ay nakatalaga sa PNP Crime Lab Cavite na kabilang sa mga rumesponde sa isang krimen noong Enero 12 kung saan natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay sa Maragondon, Cavite ang mag-asawang senior citizen na sina Bienvenido at Cecilia Muncal.

May mga narekober na ilang alahas at P30,000 cash ang mga pulis pero nawawala ang cellphone ni Bienvenido.

Sa pamamagitan ng international mobile equipment identity number sa cellphone ni lolo Bienvenido, na-trace ng pamilya na dalawang sim cards ang inilagay sa cellphone.

Lumalabas sa pagiimbestiga ng National Bureau of Investigation na isa sa sim na inilagay sa cellphone ay pag-aari ni Arcillas.

Sa ngayon na i-turn over na ang cellphone sa NBI matapos na magkaharap ang abogado ng mga biktima at si PO2 Arcillas.

Ang paliwanag ng pulis, wala siyang cellphone noon kaya naisip niyang gamitin muna ang cellphone ni Bienvenido.

Nakalimutan na raw niyang ibalik iyon sa imbestigador.

Facebook Comments