SIBAK | Dalawang opisyal ng SPD, tinanggal sa pwesto

Dalawang police station key officers ang sinibak sa puwesto ni Southern Police District Chief Police Superintendent Tomas Apolinario dahil sa poor performance.

Ito ay sina Superintendent Maurito Caraguian, Assistant Chief of Police for Operations ng Taguig at si Chief Inspector Ritchie Salem ng Pateros.

Ayon kay Apolinario, bigong makapasa ang dalawang police station sa apat na panuntunan ng district oversight committee kabilang ang crime solution efficiency, enhanced managing police operations, police community relations at war against illegal drugs.


Maliban sa poor performance na naging basehan din sa pagkakatanggal nila sa pwesto ay ang command responsibility dahil sa kabiguang disiplinahin ang mga tauhan nitong nahuling nagmamaneho ng colorum na sasakyan.

Ang nabakanteng pwesto ay hahawakan muna nina Taguig Assistant Chief of Police for Administration Superintendent Clarence Gomeyac at sa Pateros, si Superintendent Joel Goforth.

Facebook Comments