KALABOSO | Empleyado ng Manila City Hall, arestado dahil sa pagbibitbit ng baril

Manila, Philippines – Timbog ang isang empleyado ng Manila City Hall matapos mahulihan ng baril habang nasa loob ng beerhouse sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang lalaki na si Rodelio T. Reyes, nakatalaga sa Department of Engineering and Public Works (DEPW).

Nagsasawaga ng oplan bakal ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) nang matiyempuhan ang suspek at nakita ang kanyang baril.


Samantala patay naman ang isang ginang na tinatayang nasa edad 50-anyos matapos barilin sa Sta. Maynila.

Kwento ng ilang nakasaksi, sakay ng kotse ang mga suspek.

Isinugod pa sa ospital ang biktima pero binawian rin ng buhay.

Facebook Comments